Humingi ng Tulong
May mga problema ka ba sa trabaho? Hindi ka ba nababayaran nang sapat para sa oras mo? Nakaranas ka ba ng diskriminasyon? Makakakuha ka ng sagot sa mga tanong tungkol sa iyong legal na mga karapatan sa trabaho mula sa Center for Workers’ Rights.
Mga Uri ng
Kaso na Namin HinahawakanDalubhasa kami sa mga batas ukol sa trabaho, pati na sa:
- Mga Sahod na Hindi Nabayaran
- Diskriminasyon
- Matutuluyan para sa may Kapansanan
- Hindi Wastong Pagkatanggal sa Trabaho
- Insurance para sa mga Walang Trabaho
- Panliligalig
- Kalusugan at Kaligtasan
- Mga Karapatang Mag-leave at iba pa.
Mga Uri ng
Kaso na Hindi Namin HinahawakanAng Center for Workers’ Rights ay hindi tumutulong sa mga isyung walang kaugnayan sa lugar na pinagtatrabahuhan. Hindi kami tumutulong sa:
- Mga Isyu ng Imigrasyon
- Pagkuha ng Lisensya
- Edukasyon
- Mga Benepisyo sa Pangangalaga ng Kalusugan
- Mga Pensyon
- Pabahay
- Batas sa Kriminalidad
Mga Madalas Itanong
Libre ang aming mga serbisyo at hindi ka namin tatanungin tungkol sa lagay ng paninirahan (immigration status) mo rito.
Naghahandog kami ng tulong sa wika para sa lahat ng aming trabaho at serbisyo. Mahalaga kapag tumatawag na makausap namin nang direkta ang taong nangangailangan ng aming tulong.
Kailangan mo ba ng indibidwal na tulong?
Sa pamamagitan ng aming klinikang Workers’ Rights, maaari mong direktang kausapin ang intake volunteer na makikinig sa iyong kuwento at mga tanong. Pagkatapos ay kakausapin ng intake volunteer ang mga bihasang abogado ukol sa trabaho na susuri sa iyong sitwasyon.
Maghahatid sila ng impormasyon, mga mapagkukunan, referral, at legal na opsyong ibibigay sa iyo ng intake volunteer. Lahat ng pag-uusap ay kumpidensyal. Kasalukuyang iniiskedyul ang lahat ng konsultasyon para sa appointment sa telepono. Tumawag sa 916-905-5857 para makapag-book ng appoinment.
Maghahatid sila ng impormasyon, mga mapagkukunan, referral, at legal na opsyong ibibigay sa iyo ng intake volunteer. Lahat ng pag-uusap ay kumpidensyal. Kasalukuyang iniiskedyul ang lahat ng konsultasyon para sa appointment sa telepono. Tumawag sa 916-905-5857 para makapag-book ng appoinment.
Mayroon ka na bang nakabinbing kaso na may kaugnayan sa trabaho mo?
Hindi kumakatawan ang Center for Workers’ Rights sa mga manggagawa sa mga kaso sa korte. Naghahatid kami ng impormasyon tungkol sa at ng representasyon sa mga kaso sa mga ahensyang administratibo ng California, pati na sa California Labor Commissioner’s Office, California Civil Rights Department (dating Department of Fair Employment and Housing) at sa California Unemployment Insurance Appeals Board. Kung kasalukuyang may kaso kang nakabinbin sa California Labor Commissioner’s Office, maaari mo silang tawagan para magtanong tungkol sa lagay ng kaso sa 833-526-4636.
Gusto mo bang kumonekta sa iba pang manggagawa sa iyong industriya?
Kontakin kami para malaman ang mga kaganapan sa komunidad para sa mga manggagawa sa iyong industriya o para mag-iskedyul ng pagsasanay para sa iyo at sa iyong mga kasamahan. Kontakin kami sa 916-905-5857.
Nawalan ka ba ng trabaho kamakailan at sinisikap mong ma-access ang mga benepisyo ng insurance para sa walang trabaho?
Maaari naming kausapin ka kung paano maa-access ang mga benepisyo para sa walang trabaho, sagutin ang mga tanong tungkol sa proseso, at ikonekta ka sa mga mapagkukunan para matiyak na mabayaran kaagad ang iyong mga benepisyo. Maaari mo kaming tawagan sa 916-905-5857. Maaari ka ring tumawag sa Employment Development Department at nang mabigyan ka ng tulong sa wika sa 1-800-300-5616.